Disclaimer

Ang kwentong ito ay base sa totoong buhay at base sa mga pang araw araw na pangyayari sa aking buhay, at habang buhay ako ay may karugtong at panibagong kabanata pa ito ..subalit upang maitago ang aking totoong pagkatao ay kinakailangan kong baguhin ang mga pangalan , lugar at minsan ay ang mga salitang ginagamit ,
anumang pagkakahawig ng mga pangalan , lugar, pangyayari ay tunay na hindi sinasadya dahil walang ibang pinagkopyahan nito kung hindi ang sarili ko mismong experience.
walang karapatana ng sinuman na kopyahin ito at ipublished sa ibang website, ang lahat ng ito ay alinsunod sa batas bilang Intellectual Property Code of the Philippines, o mas kilala sa tawag na Republic Act No. 8293.

Huwebes, Pebrero 23, 2012

4. Break it Down yo!!!

o diyos ko po !! - gulantang na nasabi ng nanay ni Charles ng makitang may katabing babae ang anak nya sa kwarto ,. di mapakali ang ina ng binata dahil alam nya na may nangyari sa dalawa. taranta ang nanay nya at ng makita nya kung sino ang babae ay di ito nag aksaya ng panahon . umalis agad ito at pumunta sa bahay nina Mang Istong  ( ama ni Rhona ) at walang gatol na sinumbong ni mama ang mga nakita nya. dahil sa ayaw nyang mapano ang anak nya kaya medyo iniba nito ang story pinalabas na lasing daw si Charles at si Rhona naman kanina ay bumisita sa bahay tapos umalis sya ng sandali pag dating nya nahanduon na sina Charles at Rhona sa kwarto magkayakap habang natutulog.

wala pang 20 minutos ay narating na nina mama at mang Istong ang bahay nila Charles. pasigaw itong ginising si Rhona sabay hila hila palabas.. si Charles naman ay nagulat sa mga pangyayari , kitang kita nya kung papano pagsasampalin at pagtatadyakan  si Rhona ng sarili nitong ama sa daan. gusto sanang awatin ito ni Charles pero pinigilan sya ng kanyang ina .  awang awang ang lalaki habang binubogbog ang kanyang kasintahan .. kitang kita nya dito ang sakit at hirap na nararanasan mula sa pagmamaltrato ng kanyang mga magulang sa kanya..

" hayop kang bata ka , ang landi mo putang ina ka!- sigaw ng ama . habang ang mga tao  naman ay mga nagsisipaglabasan na sa bahay nila upang maki usyoso ,

pupuntahan na nga talaga sana ni Charles ang nobya pero nung nakita nya na maraming tao sa paligid ay napa atras nalang ito dahil ayaw nya rin mapahiya sa mga tao ..

" patawarin mo ako Rhona , di kita matutulungan " - bulong ni Charles sa sarili  habang awang awa na nakatingin sa kasintahan.

tila naman naunawaan ito ni Rhona kaya't pumatak ang mga luha nito  at hiyang hiyang tumakbo pauwi ng bahay nila.

Kinaumagahan  ay hindi na nagpakita si Rhona .. Tini text ito ni Charles pero di ito nag ri reply . hanggang sa nagpasya ang si Charles na tawagan ito pero wala pa din . kaya wala syang nagawa kung hindi ang puntahan ito sa bahay nila . pero bago pa man sya makarating duon ay may humarang na sa kanyang isang kaibigan..

"pare, alam ko kung saan ka pupunta , pare advice ko lang wag ka na pumunta " - saad ni Ben , isa sa mga matalik na kaibigan ng ate ko noong nandito pa

" pare makikipag usap lang naman ako , kung gusto nila iih magsasama na kami ni Rhona para wala ng gulo " - sagot naman ni Charles na determinadong suungin anuman ang kahihinatnan ng lakad nya.

" ikaw ang bahala pare " sagot nya sabay bitaw sa pagkaka akbay kay Charles.

malapit na sya sa bahay nina Rhona ng makasalubong nya ito.
" Rhona ! sandali " pero hindi man lang sya nililingon nito
" Rhona sandali lang , mag u..." napatigil si Charles ng makita nya si Rhona , ang daming pasa sa mukha . may black eye ito sa makabilang mata at namamaga ang mga labi ,
" Rhona patawarin mo ako , gusto kitang tulu..."
"Tama na , sapat na sa akin ang makita na wala kang ginagawa habang ako ay binubogbog ng itay., sapat an sa akin ang lahat ng yun para mapatunayan ko sa sarili ko na ang tanging mahal mo lang ang sarili mo " - naiiyak na sabi ni Rhona pero ang mga mata ay pilit na pinanlilisik sa akin..
" Rhona , hindi yun ang... "
" tama na sabi , ayoko na .. tapos na tayo " - sabay talikod ni Rhona at dire-diretso ang lakad papalayo.

para namang nawalan ng buto si Charles, hindi ito makagalaw, parang wala na syang lakas na makapag lakad.
noong una ay alam nyang hindi nya naman talaga mahal si Rhona . ginamit nya lang ito sa pangsariling kalibugan , pero bakit sya nasasaktan sa mga sinabi nito.  mahal nya nga ba talaga si Rhona , ayaw nya lang tanggapin dahil iba ang standard na hinahanap nya sa babae.. kung ano man yun isa lang ang alam ni Charles.
nasasaktan sya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento